RECALL NG EXCLUSION ORDER DAPAT IMBESTIGAHAN

DINALUHAN ng ilang opisyal ng ating pamahalaan noong nakaraang linggo ang virtual Senate inquiry kaugnay sa mga Pinay OFW na naging biktima ng human trafficking ng mga tinaguriang white slavery syndicate.

Sumalang din sa naturang pagdinig si Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na wala pa rin pinagbago sa kanyang mga pahayag. Hugas kamay pa rin si Morente at tila hindi alam kung ano ang kanyang trabaho.

Ayon kay Morente, kanya na raw pinatalsik sa airport ang mga immigration officers na nagtatatak sa passport ng mga Pinay OFW at inilipat sa Admin Office habang gumugulong pa ang imbestigasyon.

Mabuti pa nga ang kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsabing ang mga ­recruiters ang dapat na pagtuunan ng pansin at habulin at hindi ang mga immigration officers dahil kung kumpleto naman ang travel documents ng mga pasahero at hindi pinayagang makaalis ng bansa ng mga immigration ­officers, ito ay labag sa kanilang Rights to Travel.

Commissioner Morente, Sir, malaki po ang respeto sa inyo ng inyong mga tauhan sa BI kung kaya’t bago mo sila ilaglag ay alamin mo muna maigi kung ano ang tama at mali. Hindi mo naman Sir naabot ang ilang Star mo sa balikat nung nasa serbisyo ka pa sa pulisya kung hindi ka isang mahusay na pinuno.

Sabi nga Sir sa isang makabagbag damdamin na nursery rhyme ay “Twinkle, twinkle little Star. How I wonder what you are. Up above the world so high, like a diamond in the sky ” and i thank you.

Kaugnay nito, gaano kaya katotoo ang natanggap nating sumbong mula sa immigration officers na dalawang buwan na ang nakakaraan, sila raw ay tinatakot at pinagbabantaan ng Chief ng Travel Control Enforcement Unit (TCEU).

Ang banta ay kung hindi raw sila tetestigo sa Senado laban sa ahensya (BI) ay hindi sila mabibigyan ng magandang trabaho? My God!

Madam gaano ito katotoo na imbes na ibangon mo ang inyong ahensya ay lalo mo pang inilulubog?

Samantala, dapat na rin sigurong imbestigahan din ng Senado ang nangyayaring Exclusion ng mga Foreign national sa NAIA kung saan ito ay isang harassment sa mga dayuhan dahil sila’y ­pinayagan na ng National Task Force against COVID-19 na makapasok sa bansa sa kabila ng travel ban.

Kung tunay naman ang kanilang bitbit na mga dokumento sa pagpunta sa bansa ay dapat papasukin pero bakit kapag hinarang dahil fake ang kanilang exemptions bakit nagtatagal sa airport at hindi sipain agad palabas ng bansa?

Kagaya na lamang umano ng 16 na Chinese nationals na naharang noong May 5 sa NAIA Terminal 2. Bakit ito pinayagang ipa-recall of exclusion order o gayong fake rin kaya ang mga dala nilang exemption?

Ang tanong ay magkano? Senadora Risa Hontiveros, ­Madam, ito ang dapat imbestigahan mo at hindi kung ano-ano. Huwag mo nang balikan ang isyu ng pastillas gang dahil nasa korte na ang kaso.

Isang Chinese handler na si Alias Charlie ang umano ay nasa likod nito. VIP daw sa airport itong si Charlie na kapag may mga pasahero itong paparating ay No Question agad sa immigration counters? Abangan pa ang ating pambibisto kaugnay dito at ang travel agency na maaring kasabwat nito.

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.

149

Related posts

Leave a Comment