LESS 2K COVID CASES NA LANG KADA ARAW SA MM

HINDI na aabot sa 2,000 ang bilang ng mga nagkakaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kada araw sa Metro Manila (MM), ayon sa OCTA Research Group.

Sa eksakto, umaabot na lamang ito sa 1,930 bawat araw sa loob ng isang linggo, pahayag ni Prof. Guido David.

Bahagyang mababa ito kumpara sa naunang isang linggo, patuloy ni David.

Mas mababa aniya ang 1,930 ng 65 porsyento kumpara noong kasagsagan ang taas ng bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 sa MM.

Umaasa si David na magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa MM upang gumanda ang ‘takbo’ ng buhay ng mga tao.

Kung magpapatuloy ang mababang bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay magkaaroon nang malakas na batayan ang mga alkalde sa MM na ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang MM.

Sa kalagayang GCQ, higit na maraming kumpanya ang bukas kaya higit na maraming mga manggagawa ang makapagtatrabaho. (NELSON S. BADILLA)

226

Related posts

Leave a Comment