4 BIFF PATAY SA MILITARY OPS

APAT na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan faction ang napatay ng mga sundalo sa Datu Paglas, Maguindanao nitong Miyerkoles ng umaga, ayon kay Brigadier General Roy Galido, commander ng 601st Infantry Brigade.

Ayon kay BGen. Galido, nakasagupa ng kanilang tropa ang tumatakas na mga miyembro ng BIFF-Karialan faction at pagkaraan ay natagpuan ang bangkay ng apat na mga rebelde, isang high powered firearm at war materials.

Nabatid na hindi nilubayan ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, sa pamumuno ni Major General Juvymax Uy, commander, ang pagtugis sa mga terorista sa Datu Paglas at kalapit na mga bayan matapos ang nangyaring engkwentro malapit sa Paglas Public Market noong Mayo 8.

Bukod sa apat na napatay ay dalawang ekstremista ang nadakip sa gitna ng pinaigting na military at police manhunt operation. (JESSE KABEL)

160

Related posts

Leave a Comment