10 COVID NEW DEATHS SA 3 CAMANAVA CITIES

MULING nakapagtala ng sampung namatay sa COVID-19 ang tatlong lungsod sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 12.

Ayon sa ulat, sumipa sa 424 ang COVID deaths sa Malabon City matapos na limang pasyente ang mamatay. Bukod dito, 24 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,703 ang positive cases sa lungsod, sa bilang na ito ay 315 ang active cases.

Habang 11 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 11,964 na recovered patients ng Malabon City.

Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga kumpirmadong kaso sa Barangay Longos dahil nagkaroon ng double entry sa pangalan ng isang kumpirmadong kaso. Mula 1,703 ay magiging 1,702 na lamang ang mga kumpirmadong kaso sa nasabing barangay.

Umakyat naman sa 822 ang COVID casualties sa Caloocan City makaraang apat na pasyente ang binawian ng buhay. Umakyat sa 28,785 ang total confirmed cases sa lungsod at 1,347 dito ang active cases, at 26,616 ang gumaling.

Isa naman ang namatay sa pandemya sa Navotas City at 345 na ang pandemic fatalities sa fishing capital. Ang active cases sa lungsod ay 226 matapos na 47 ang nagpositibo at 34 ang gumaling.

Umabot na 10,668 ang kaso ng COVID-19 sa siyudad at 10,097 sa bilang na ito ang nakarekober.

Sa ikalawang sunod na araw ay hindi naglabas ng COVID-19 cases update ang Valenzuela City. (ALAIN AJERO)

226

Related posts

Leave a Comment