Resulta magiging kaduda-duda sa SD card na kayang i-reformat DAYAAN SA 2022 POLLS KASADO NA?

(BERNARD TAGUINOD)

ISANG mambabatas sa Kamara na hindi muna nagpabanggit ng pangalan ang nagsabi na ngayon pa lamang ay pagdududahan na ang magiging resulta ng 2022 elections kung mapatunayang totoo ang alegasyon na nare-reformat ng Commission on Elections (Comelec) ang Write Once Read Many (WORM) SD (secure digital) card.

Sa kondisyong huwag munang pangalanan habang pinag-aaralan ang reklamong isinampa ng Joint Venture, sinabi ng mambabatas na kailangang imbestigahan kung kayang pakialaman ng Comelec ang WORM SD card.

Lumutang ang usaping ito matapos maghain ng reklamo ang kumpanya na diniskwalipika sa bidding ng gagamiting makina sa susunod na eleksyon.

 

P200M sinayang

Base sa dokumentong nakuha ng SAKSI Ngayon, mistulang nagsayang ng P200 million ang Comelec matapos idiskwalipika ang isang United States (US) based company sa Refurbishment ng Vote Counting Machines (VCMs) dahil sa teknikalidad.

Ibinigay sa Smartmatic ang kontrata nang idiskwalipika ng Comelec-Technical Working Group (TWG) ang Pivot International, Inc. and Power Serve (PSI), Inc., Joint Verntures.

Ayon sa impormasyon, umaabot lamang sa P200 million ang inilagay na halaga ng Joint Venture sa sinalihang bidding na halos doble sa P400 ng Smartmatic subalit sa huli napunta ang kontrata.

Iginawad ni Comelec Chairman Sheriff Abas ang kontrata noong Mayo 11, 2021 sa Smartmatic, ang tanging kumpanyang naiwan, matapos idiskwalipika ng Comelec-TWG ang Joint Venture dahil sa teknikalidad.

“On behalf of the Commission en banc, the undersigned hereby awards to Joint Venture of SMMT-TIM 2016, Inc. and Smartmatic USA Corp., the contract for the Procurement of Automated Election System (AES) Software for the Election Management System (EMS), Vote Counting Machines (VCMs) and Consolidation and Canvassing System (CCS) to be used in the 2022 National and Local Elections,” ani Abas sa isang ulat.

Gayunpaman, marami ang nanghihinayang sa P200 million na puwede sanang natipid ng taxpayers kung hindi tineknikal ang Joint Venture para mag-supply ng software na gagamitin sa 2022 national at local elections.

 

Naghain ng reklamo

Nateknikal ang Joint Venture nang hindi basahin ng VCM ang kanilang isinumiteng WORM SD Card matapos umanong ireformat ito ng TWG at nang subukan sa makina ay hindi ito binasa.

“The Joint Venture respectfull submits, however that the reason for the WORM SD Cards’s alleged failure to meet the compatibility test when they were inserted in the Comelec-provided VCM was the WORM SD cards were reformatted by the SBAC-TWG triggering the write-protected mode of the cards,” ayon sa reklamo ng Joint Venture.

Sa gitna ng bidding, kumuha ang Comelec-TWG ng WORM SD Card na ginamit noong nakaang eleksyon at nireformat na binasa ng makina bagay na pinalagan ng Joint Venture dahil hindi puwedeng ireformat ang WORM SD Card, palitan o baguhin ang mga impormasyon na pumapasok dito.

“To reiterate, WORM SD Card are unalterable, non-rewritable, and non-erasable ensuring dating integrity within the WORM SD Cards,” ayon pa sa reklamo ng Joint Venture na isinampa ng mga ito sa Comelec noong Mayo 5, 2021.

Dahil dito, pinag-aaralan na umano ng mambabatas ang kaso dahil posibleng walang maniwala sa resulta ng halalan sa 2022 kung kayang doktorin ang impormasyon sa WORM SD card kung saan pumapasok ang mga detalye ng boto mula sa cities at municipal canvassers.

196

Related posts

Leave a Comment