CLAIMANT NG P3.1-M “PARTY DRUGS” HULI

Ni JOEL O. AMONGO

Timbog sa mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of NAIA (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang nagnga-ngalang “Kristopher Segumbang” para sa pagki-claim ng 622 gramo ng Ketamine “party drugs” na may halagang Php3,110,000 sa isang joint controlled delivery operations sa Caloocan City.

Si Segumbang ang nag­silbing authorized representa­tive ng consignee, na nagnga-ngalang “Nick Dimagiba”, ang naaresto ng mga awtoridad para sa pagki-claim ng nasabing bagahe.

Sa records lumalabas na ang subject package ay duma­ting noong nakaraang Mayo 10, 2021 mula Malaysia, at idineklara bilang “snacks”.

Ang nasabing illegal drugs sa simula pa lamang ay pakay na ng non-intrusive x-ray scanning ng X-ray Inspection Project (XIP NAIA) at K-9 sweeping.

Sa physical examination na isinagawa ng customs examiner, nakita ang 15 sachets ng white coffee na naglalaman ng kabuuang 622 gramo ng Ketamine, na kung saan ay nauuri bilang dangerous drugs sa ilalim ng R.A. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang Ketamine ay kilala rin bilang “Special K” o “K” na orihinal ay ginawa bilang “anesthetics” subalit kadalasan ginagamit bilang “party drugs” para sa tranquilizing effects.

Ito rin ay kasama sa listahan ng Dangerous Drugs ng Dangerous Drugs Board (DDB) noong 2005 sa ilalim ng DDB Regulation No. 3.

Ang naarestong claimant at nakumpiskang illegal drugs ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA para sa case building at criminal prosecution para sa paglabag sa R.A. 9165 na may kaugnayan sa Section 1401 ng R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Nauna rito, noong naka­raang Mayo 11, ang BOC-NAIA, PDEA, at NAIA-IADITG ay naaresto rin ang dalawang claimants ng Ecstacy sa Quezon City Postal Office.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ang mga tauhan niya ng BOC, kasama ang PDEA at NAIA-IADITG sa kanilang matagumpay na pagkakaaresto ng nasabing claimant at pagkakakumpiska ng nabanggit na illegal drugs.

317

Related posts

Leave a Comment