SMUGGLING VS GENERAL MERCHANDISE TRADERS SINAMPA NG BOC

Nahaharap ngayon sa kasong smuggling ang dalawang importers at kanilang brokers matapos sampahan ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) kamakailan.

Kabilang sa mga ito ay ang Carmente School Supplies Trading at kanilang Customs broker dahil sa undervaluation & submission of spurious/falsified import documents ng iba’t ibang general merchandise.

Ito ay nagkakahalaga ng P3,358,951.87 noong October 28, 2020 na naganap sa Manila International Container Port (MICP).

Bukod dito, sinampahan din ng kasong kriminal ng BOC ang Mumbaki Corporation at kanilang customs broker.

Ito ay may kinalaman sa umano’y misdeclaration ng 40-footer container ng general merchandise na may halagang P2,266,138.00 noong Enero 8, 2021 na nangyari rin sa MICP.

Ang respondents ay kina­suhan sa paglabag sa Republic Act No. 10863, o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Article 172 na may kaugnayan sa Article 171 ng Revised Penal Code (RPC), bilang inamyendahan.

Kaugnay nito, ang BOC ay pursigido sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga importers at kanilang brokers para ita­guyod ang maayos na kita ng gobyerno sa duties and taxes lalo na ngayong dumaranas ang bansa sa kahirapan dahil sa COVID-19 pandemic.
(Joel O. Amongo)

178

Related posts

Leave a Comment