2 HIGH VALUE DRUG SUSPECTS, TIKLO SA QC

HULI sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units ng Holy Spirit Police Station (PS-14) at Talipapa Police Station (PS-3) na nasa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD), ang dalawang high value drug personalities at nakumpiskahan ng P136,000 halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City noong Huwebes.

Kinilala ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, station commander ng PS-14, ang nadakip na suspek sa unang operasyon na si Apple Grace Jacinto y Villanueva, 36-anyos, nakalista bilang no. 1 station level drug personality ng PS-14, at residente ng #156 Narangita St., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon sa ulat, isang confidential informant ang nag-report sa PS-14 kaugnay sa illegal drug peddling activities ng suspek kaya naglatag ng buy-bust operation ang mga awtoridad dakong alas-3:10 ng hapon noong Mayo 27 sa #156 Naranghita St., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Isang undercover cop ang umakto bilang poseur buyer at bumili ng P5,200 halaga ng shabu sa suspek na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 15 gramo ng shabu na may DDB value na P102,000 at ang buy-bust money.

Samantala, dakong alas-7:00 ng gabi noong Mayo 27, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PS-3 sa #8 Libra St., Brgy. Tandang Sora, Quezon City na nagresulta ng pagkakaaresto sa kanilang no. 7 drug personality

Kinilala ni P/Lt. Col. Cristine Tabdi, station commander ng PS-3, ang suspek na si Francis Sioson y Pañgan, 38-anyos.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong sachets ng shabu na P34,000 ang halaga, isang cellular phone, at ang buy-bust money.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

168

Related posts

Leave a Comment