MAAARING muling lumago ang ekonomiya ng bansa sa second quarter ng 2021 dahil sa mass vaccination program at pagbawas ng bilang ng COVID-19 cases.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, kapag nakapag-deliver pa ang overseas manufacturers ng ipinangako nitong volume ng doses ng bakuna, mayroon na kaagad na sapat na COVID-19 vaccines ang pamahalaan na ituturok hindi lamang sa 70 milyong matatanda kundi sa 15 milyong kabataan sa oras na maaprubahan na ang bakuna para sa mga ito.
“There is good news on the horizon, however. In the second quarter of this year, we expect to begin growing our economy again. We see that the second wave of infections that started at the end of March has subsided dramatically. We hope that this will be the last surge,” ayon sa kalihim sa isang business forum.
“We are also in the process of negotiating for the booster shots next year. The COVID-19 pandemic should soon be contained,” dagdag na pahayag nito.
Sa kasalukuyan, ang bansa ay nakapagbakuna na ng 4,495,375 doses “as of May 20, 2021.”
Sumirit ang kaso ng COVID-19 noong unang bahagi ng taong kasalukuyan na naging dahilan para ilagay ng mga awtoridad ang NCR Plus area sa ilalim ng panibagong lockdown.
Ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan gaya nng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay nasa ilalim ng general community quarantine “with heightened restrictions” hanggang Mayo 31. (CHRISTIAN DALE)
