Laban sa mga lumalabag sa health protocols KONGRESO PINABUBUO NG NAT’L QUARANTINE LAW

NANANALIG ang Malakanyang na gagawa ng hakbang ang Kongreso para gumawa ng batas na may kinalaman sa pagbalangkas ng national quarantine law.

Layon nito na magkaroon ng malinaw na batas lalo na sa kung anong kaparusahan ang dapat ipataw laban sa mga lalabag sa ipinatutupad na health at quarantine protocol.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa ibang mga bansa ay may pinaiiral ng malinaw na panuntunan tungkol dito na kung saan ay itinatakda ang mabigat na parusa sa mga violators.

Sa ngayon, ang pamahalaan ay mayroon lamang na mga ordinansa at specific provisions ng Revised Penal Code na pwede namang gamiting batayan sa pagpapatupad ng aksiyon laban sa mga lumalabag.

“Well, the guest themselves would be liable. Because they are committing the breach of health protocols, which in turn would be a violation of an existing ordinances! The owners of course will also be complicit, would also be liable on the basis of conspiracy because he allowed the offenses to happen.”

Maaari na rin aniya ang reckless imprudence na ipataw sa mga pasaway na may katapat na parusang kulong pero mas maiging magkaruon ayon kay Roque ng national law on quarantine na nasa hurisdiksiyon na ng Kongreso. (CHRISTIAN DALE)

97

Related posts

Leave a Comment