TOURISM WORKERS SA A1 PRIORITY, TAMA LANG

IKINAGALAK ni Senador Nancy Binay ang desisyon ng Inter Agency Task Force na isama na sa A1 priority group ang mga empleyado ng mga hotel na nagsisilbi bilang quarantine o isolation facilities.

“Tama ang desisyon ng IATF na isama sa A1 priority group ang mga nagta-trabaho sa mga hotel at iba pang quarantine facilities. Their lives are also at risk daily because of constant exposure,” saad ni Binay.

Sinabi ni Binay na sa naturang desisyon ng IATF, makatitiyak ang mag empleyado sa isolation facilities at quarantine hotels na hindi rin nila mailalagay sa panganib ang kanilang mga mahal sa buhay.

Umaasa rin ang mambabatas na masisimulan na ang pagbabakuna sa A4 group.

“At this point, we cannot afford any more delays, as we are woefully off-target. Hindi lang tourism industry ang nakasalalay sa agarang bakuna, kundi lahat ng industriya sa bansa,” diin ni Binay.

Hinikayat din nito ang tourism leaders na tumulong sa paghikayat sa publiko na magpabakuna.

“The tourism industry’s expertise in marketing and communications “could tip the scales in favor of our fellow Filipinos choosing to be vaccinated,” diin pa ni Binay.

“Umpisahan natin sa pagsiguro na majority, kung hindi lahat, ng mga tourism workers natin ay magpapabakuna, then let’s work from there,” dagdag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

77

Related posts

Leave a Comment