PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magdedeklara sa Davao City bilang chocolate capital of the Philippines.
Nakasaad sa nilagdaang Republic Act 11547, layon nitong mabigyan ng halaga ang pagtatanim ng cacao upang mapaigting pa ang rural development sa bansa sa pamamagitan ng export earnings.
Bukod pa sa layon din nitong mabigyan ng pangkabuhayan ang maliliit na magsasaka.
Kaugnay nito, naniniwala naman si Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng paglagda niya sa naturang batas ay mapapabilang ang Pilipinas sa mga producer ng finest cocoa beans.
Napag-alaman na nanalo na ng ilang international awards ang Davao dahil sa chocolate business na cacao grower at chocolate maker sa Davao. (CHRISTIAN DALE)
173
