OCCIDENTAL MINDORO – Tatlong pulis ang namatay habang walo ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army na nagresulta sa sagupaan sa bayan ng Magsaysay sa lalawigang ito, noong Biyernes.
Kinilala ang mga napatay na sina P/Executive MSgt. Jonathan Alvares, P/Cpl. Estan Gongora at P/SSgt. Nolito Develos Jr.
Habang sugatan naman sina P/SSgts. Dexter Sagun, Edwin Vergara, Michael Sualog, Michael Enero at Nolito Develos, P/Cpl. Kim Jason Dimalaluan at Pats. Amando Pulido at Danny Soriano habang si P/Cpl. Nicolas Estopacio Jr. ay hindi pa natatagpuan.
Dumanas naman ng minor injuries at pinauwi na sa kanilang bahay sina Pats. Armando Pullido, Jayrald Insigne, Darwin Equilla at Bayani Salgado Jr.
Nangyari ang sagupaan ng First Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company at mga rebeldeng NPA sa Sitio Banban, Barangay San Nicolas bandang alas-10:30 ng umaga noong Biyernes.
Ayon sa tagapagsalita ng MIMAROPA Police na si Lt. Col. Imelda Tolentino, inatake ng mga rebelde ang mga awtoridad nang pabalik na ang mga ito sa kanilang kampo matapos ang kanilang 3-day caravan. (CYRILL QUILO)
386
