CAVITE – Isinilid sa isang plastic bag na binalutan ng masking tape ang isang fetus na natagpuan sa gilid ng Health Center sa Dasmariñas City noong Biyernes ng hapon.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Lilibeth Tres Reyes ng Dasmariñas City Police, nagwawalis sina Vicky Tabucanon at Michelle Margalio sa gilid ng Health Center ng Dasma 4, Brgy. Salawag dakong alas-4:00 ng hapon nang malanghap ang masangsang na amoy sa lugar.
Hinanap nila ang pinanggagalingan nito hanggang sa natagpuan ang isang plastic bag na nadiskubreng patay na fetus ang laman. Hindi pa nabatid kung ano ang kasarian ng fetus.
Hinihinalang may ilang araw nang patay ang fetus nang itapon ito sa nasabing lugar. (SIGFRED ADSUARA)
170
