NAGSAGAWA ng anti-narcotics operation ang mga tauhan ni PNP Police Regional Office-5 Director Police Brig. General Jonnel C. Estomo sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City na nagresulta sa pagkasamsam sa mahigit P4 milyong halaga ng ilegal na droga.
“Leadership is both strategy and character. But if you must be without one, be without strategy,” ani P/BGen. Estomo makaraang madakip ng kanyang mga tauhan sa ikinasang buy-bust operation ang isang high value drug personality na kinilalang si Khalid Sana Guibal alyas Leds sa pinaglulunggaan nito sa Don Victorino Ext., Don Antonio Heights South, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Ayon kay Gen. Estomo, kasapi ang suspek ng malaking drug syndicate na naatasang magpakalat ng ilegal na droga sa Bicol region.
Bunsod nito, nagkasa ng dragnet operation ang kanyang mga operatiba, sa pangunguna ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 PRO5, katulong ang PNP-PRO5 Special Operation Units, PNP-Drug Enforcement Group, PS-14, at QCPD-SDEU.
Ang buy-bust operation ay inilunsad sa pakikipag-ugnayan sa PDEA sa ilalim ng coordination control number 50000-052021-0292 na ipinarating ng PDEA RO5 RTOC.
Isang sachet ng shabu ang nakuha sa suspek ng poseur buyer na nagsilbing hudyat para isagawa ang pag-aresto sa drug dealer.
Nakumpiska sa anti-illegal drug operation ang plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng buy-bust item, 21 piraso ng sachet na may kabuang 590 gramo, kaya umabot sa 640 grams ng shabu ang kanilang nakumpiska na tinatayang may street value na aabot sa P4, 352,000.
“PRO5 is uncompromising with our drug cases as you can see in our records. Our latest conquest involves a big money, and we will go deeper into this as we progress. The problem of drugs has been affecting even the poorest of souls in our society and it is deep rooted. We cannot solve this overnight, but rest assured we won’t take off our eyes on the goal,” ani Gen. Estomo. (JESSE KABEL)
183
