MALALAMAN sa susunod na buwan kung may asim si Sen. Manny Pacquiao sa mga miyembro ng administration party na PDP-Laban at ihahalal ng mga ito ang senador bilang kanilang pangulo.
Sa isang tv intericew, sinabi ni Raul Lambino, vice president for external affairs ng partido, hindi maituturing na pangulo si Pacquiao ng kanilang lapian dahil hindi ito inihalal ng kanilang mga miyembro.
Ayon sa opisyal, muling magpapatawag ng national assembly ang PDP-Laban sa susunod na buwan upang ihalal ang kanilang pangulo dahil sa ngayon aniya ay acting president lamang si Pacquiao.
“If he’s going to be chosen as the president of the party in the national assembly, we are going to welcome him. I, for one, am going to support Sen. Manny Pacquiao if ever he is elected president of the party.”
Magugunita na noong Disyembre 2020 ay bumaba bilang pangulo ng partido si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III at inilagay nila bilang acting president si Pacquiao subalit ayon kay Lambino, hindi opisyal ang tungkulin ng senador sa partido.
“We have to follow the constitution and bylaws of PDP-Laban. It’s not stated that the executive vice president should be the president. It’s only stated that he shall take over the function of the president. It doesn’t mean that he will be the president in case there is a vacancy of the presidency of the party,” ayon pa kay Lambino.
Wala rin umanong ideya si Lambino sa mga report na ipapalit kay Pacquiao si House Speaker Lord Allan Velasco na siyang tumatayong executive vice president ng partido.
Gayunpaman, ayon sa mga impormante sa Kamara, posibleng labanan ni Velasco si Pacquiao sa presidency ng PDP-Laban sa susunod na assembliya ng partido bilang pangulo.
Una nang tinanggal ng partido ang kaalyado ni Pacquiao na si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., bilang acting secretary general ng lapian matapos nitong kuwestiyonin ang assembliya na pinangunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi noong Lunes.
Sinabi ni Teves na na-bypassed umano ito dahil hindi ipinaalam sa kanya ang nasabing asembliya at wala rin umanong pahintulot si Pacquiao sa nasabing pagpupulong. (BERNARD TAGUINOD)
338
