LALABAGIN ng Department of Health (DOH) at government hospitals ang Republic Act. No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 2), pagdating sa cash incentives ng mga health worker.
Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos makatanggap ng reklamo na imbes na cash, may ilang specialty hospitals sa Quezon City ang nagbibigay ng food items sa kanilang mga empleyado.
Sinabi ng mambabatas na umaasa ang mga manggagawa sa mga ospital na aabot sa P40,999 ang kanilang additonal salary noong nakaraang linggo subalit sinabihan ang mga ito na imbes na cash ay grocery items ang makukuha nila.
“Because of the pandemic, the Bayanihan 2 law grants our health personnel a special monthly risk allowance on top of their hazard pay and other benefits. As far as I could remember, the mandate is to give these benefits in cash,” ani Defensor.
Sa katunayan aniya, masyado nang delayed ang insentibong ito sa lahat ng health workers dahil noong Setyembre 2020 pa ginawa ang batas ngunit noong nakaraang linggo pa lamang inabisuhan ang mga ito at hindi cash kundi food items ang kanilang matatangap.
“That deprives our health workers of spending flexibility. Since June is school enrollment period, they might want to spend their money on their children’s tuition or school supplies,” ayon pa kay Defensor.
Binalaan nito ang mga health at hospital officials na kapag itinuloy ang pagbibigay ng food items imbes na cash ay lalong pagdududahan ang mga ito dahil hindi biro ang perang sangkot dito.
“The amount involved is huge even for just one hospital. If for instance, there are 500 hospital personnel entitled to P40,000 each, the sum that would be converted to food items would be P20 million,” paliwanag ni Defensor.
Posible aniyang malalabag din ng mga ito ang Procurement Law kapag ang pagbili ng food items ay idinaan lang sa negosasyon sa suppliers dahil milyon-milyong ang pinag-uusapang halaga.
Sa ilalim ng nasabing batas, P13.5 billion ang inilaan para sa special risk allowance, life insurance, pagkain, transportasyon, accommodation at iba pang insentibo sa mga health worker kaya inatasan ng mambabatas ang DOH na mag-report sa Kongreso kung paano nila ito nagamit.
“We want to know how much in benefits has been paid to our health workers,” ayon pa kay Defensor. (BERNARD TAGUINOD)
187 