3 SUNDALO SUGATAN SA QUEZON AMBUSH

QUEZON – Sugatan ang tatlong sundalo nang tambangan ng rebeldeng New People’s Army nitong Sabado ng umaga sa Barangay Batabat Sur, sa bayan ng Buenavista sa lalawigang ito.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang mga sugatang sina Sgt. Bartocilla, miyembro ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army, Romar Gono at Armel Bajamunde na miyembro ng CAA o Center for Army Analysis.

Napag-alaman, nagsagawa ng “Barangayanihan” sa Brgy. Del Rosario ng nasabing bayan ang mga sundalo bandang alas-11:41 ng umaga at pabalik na sa Buenavista Municipal Police Station upang mananghalian nang tambangan ang mga biktima ng mga miyembro ng NPA.

Patuloy pa ang palitan ng putok ng magkabilang panig habang isinusulat ang spot report na ito ng mga awtoridad. (CYRILL QUILO)

126

Related posts

Leave a Comment