6 TIKLO SA SUGAL SA MALABON

ARESTADO ang anim katao makaraang maaktuhan ng mga pulis na nagsusugal sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

Ayon sa ulat nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal at P/SSgt. Jeric Tindugan kay Malabon City Police chief, Col. Albert Barot, dakong 11:30 ng umaga noong Martes, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 5, sa pangunguna ni P/Lt. Zoilo Arquillo, sa kahabaan ng Flovi 6, Letre, Brgy. Tonsuya.

Ngunit napansin ng mga pulis sina Rolly Magallanes, 52, at Nherwin Quintero, 32, na nagsasagawa ng tupada naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.

Samantala, dakong 1:30 ng hapon, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 3, sa pangunguna ni P/Maj. Carlos Cosme Jr., sa Sapa St., Brgy. Panghulo nang maaktuhan nila ang isang grupo ng kalalakihan habang naglalaro ng cara y cruz.

Gayunman, nang mapansin ng mga ito ang mga pulis ay mabilis silang nagpulasan sa magkakaibang direksyon kaya’t hinabol sila ng mga parak hanggang sa makorner sina Joshua Toquero, 24; Christopher Villagracia, 33; Harold Villanueva, 33, at Mark Villanueva, 32. (FRANCIS SORIANO)

135

Related posts

Leave a Comment