BARANGAYANIHAN INILUNSAD NG PNP-ZAMBALES

“THE greatness of a community is measured by the active participation of it’s members.”

Ito ang pahayag ni PNP-Zambales Provincial Director, P/Col. Romano V. Cardiño sa inilunsad na “Barangayanihan” at Coastal Clean-up Drive.

Ang nasabing kampanya ay kinabibilangan ng regular meetings sa lahat ng advocate support groups and force multipliers ng Zambales PPO Team.

Ang nasabing proyekto ay naglalayong kilalanin ang mahalagang papel ng iba’t ibang sektor sa anti-criminality campaign ng PNP laban sa insureksyon.

Gayundin, ang proyektong ito ay alinsunod sa panawagan ng national government at ng NTF-ELCAC na tapusin na ang digmaan ng communist terrorist groups at government security forces sa lalawigan ng Zambales.

Ang paglulunsad ng Barangayanihan ay isinagawa noong Huwebes, Hunyo 17, dakong 8:00 ng umaga ng Zambales PPO kasama ng municipal stations nito, mga pangulo ng iba’t ibang advocacy groups mula sa 13 munisipalidad na umabot sa 83 ang mga lumahok.

Bago ang aktibidad, ang mga kalahok ay dumaan sa Rapid Antigen Test (RAT) na isinagawa ng Zambales Provincial Health Unit (ZPPO- PHU) at Zambales Capitol Provincial Health Officer (PHO).

Lumabas sa resulta ng pagsusuri na ang 83 kalahok ay pawang negatibo sa COVID-19.

Kabilang sa mga aktibidad ang paglilibot sa Camp Conrado Yap at Zambales PPO, pamamahagi ng Warning ID, lectures sa FARE and CARE, Bida Bakuna, RA 9262, RA 8353, clean-up drive sa dalampasigan ng Brgy. Sto. Rosario, Iba, Zambales at paglalahad ng CPNP’s 10 points of Priority Programs.

372

Related posts

Leave a Comment