“YOU can never cross the ocean unless you have the courage to lose sight of the shore.” Nababagay ang kasabihang ito sa palaban na si PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo na palaging nakatuon ang atensyon sa kanyang layunin.
Muling nakaiskor ang battle tested PNP PRO 5 nang ma-neutralize ang hinihinalang drug trafficker na si Antonis Tupas, residente ng Brgy. Cruzada, Legazpi City, nakatala bilang high value priority target.
Noong Biyernes, Hunyo 18, 2021, dakong 11:23 ng umaga, sa Purok 5, Brgy. Quirangay, Camalig, Albay, ang mga operatiba ng RPDEU 5 (lead unit), PDEG-RSOU5, RID5-RSOU, PIU/PPDEU Albay PPO, PDEA ROV at Camalig MPS, sa pangunguna ni P/Maj. Alexander B. Tenorio, ay nagsagawa ng entrapment and buy-bust operations laban sa nasabing suspek.
Nang matanggap ng suspek ang P300,000 buy-bust money ay agad nitong iniabot ang sachet ng shabu sa poseur-buyer.
Habang nangyayari ang transaksyon ay nakaposisyon na ang mga awtoridad na nakahandang dakpin ang suspek.
Ngunit nakatunog ang suspek na may mga pulis sa paligid kaya binunot nito ang kanyang .45 kalibreng baril at nagpaputok sa mga operatiba gayunman ay walang tinamaan.
Gumanti ng putok ang mga awtoridad na matinding ikinasugat ng suspek.
Isinugod ang suspek sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Ang suspek ay idineklarang armed and dangerous dahil sa pagkakasangkot sa serye ng malakihang illegal drug transactions, lalo na ang shabu, sa Bicol Region.
Ayon sa intelligence validated reports, ang suspek ay aktibo sa pagpapakalat ng malalaking bulto ng droga sa Legazpi City at kalapit na mga munisipalidad.
Ang kanyang drug supplies ay hinihinalang mula sa isang nagngangalang Malik na kasalukuyang nakadetine sa New Bilibid Prison.
Ang suspek ay na-monitor noong Mayo 2021 na nakikipag-deal ng halos kalahating kilo ng shabu.
“I would like to congratulate my men not just for a job well done but for the bravery they have exhibited despite their long list of things to accomplish. To have competent men really makes the life of a leader easier so I can easily proceed to the next mission,” pahayag ni Gen. Estomo.
Nakuha ng mga operatiba ng SOCO RCLO5 Team sa pinangyarihan ng insidente ang mga sumusunod: isang cal. 45 pistol na may magazine at bala; apat na basyo ng bala mula sa 9mm; tatlong piraso ng bala mula sa cal. 45; isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na nakalagay sa eco bag na tinatayang isang kilo at P6.8 milyon ang halaga, at buy-bust money.
458
