“STRONG convictions precede great actions.” Ito ang naging pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo makaraan ang sunod-sunod na ikinasang anti-narcotics operations na ikinamatay ng isang drug priority target sa isang engkwentro sa Legazpi City.
Kinilala ni P/BGen. Estomo ang napaslang na drug personality na si Norkasan Samporna alyas “Monching” ng Legazpi City, at kabilang sa talaan ng recalibrated priority database ng drug personalities
Kasunod ng isinagawang surveillance and intelligence gathering ay naglatag ng buy-bust operation ang Albay Police Provincial Office, sa pamumuno ni Provincial Director P/Col. Arnold Santiago, mga kasapi ng PNP-PRO5, Daraga Municipal Police Station, katuwang ang Police Intelligence Unit ng Albay, 502nd Regional Mobile Force Battalion 5, SRT RMU 5 at 2nd Albay Police Mobile Force Company.
Sa kalagitnaan ng buy-bust operation ay nakatunog ang suspek na dadambahin siya matapos i-abot ang ibinentang shabu sa halagang P30,000 sa umaktong poseur buyer, kaya bigla itong nagbunot ng baril at nagpaputok kaya napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad.
Bukod sa nabiling shabu at ginamit na buy-bust money ay naka-recover pa ang mga pulis ng dalawang medium size heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman shabu.
“PRO-5 is unyielding to the barriers of our commitment to eradicate drugs. I have a very solid intelligence team to strengthen our well plotted operations. Please allow me to reiterate, to be defeated in drug cases will never be an option,” ani Estomo. (JESSE KABEL)
142
