5 MINORS NASAGIP SA PROSTITUSYON SA QUEZON

QUEZON – Nasagip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang dalagita makaraang salakayin ang isang hinihinalang prostitusyon den sa Brgy. Tagbakin, sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito.

Arestado ang mga suspek na sina Irene Ponce, tumatayong recruiter ng mga menor de edad; Learnel Pamisaran, floor manager ng Sweet and Spicy Bar, at Melissa Bizon, cashier.

Napag-alaman, nakarating sa NBI na mayroong mga menor de edad na nagtatrabaho bilang guest relations officer (GRO) sa naturang lugar at halagang P2,000 tinatanggap ng mga ito bilang bayad kada gabi.

Nang mapatunayan ang impormasyon ay agad nagsagawa ng pagsalakay ang NBI sa lugar kasama ang mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Atimonan.

Sasampahan sa Provincial Prosecutor’s Office ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 as amended by Republic Act 10364, habang ang mga menor de edad ay dinala MSWDO. (CYRILL QUILO)

319

Related posts

Leave a Comment