Natalo pala sa online sabong TRUCK DRIVER BUKING SA ‘HOLDAP ME’

CAVITE – Nabuking ang palusot ng isang 41-anyos na truck driver matapos ikanta ng kanyang mga pahinante na hindi sila naholdap kundi natalo sa online sabong ang P133,000 cash na kanilang koleksyon sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon

Nakakulong na sa Noveleta Custodial Center ang suspek na si Jaime Lim ng Brgy. Biga, Tanza, Cavite dahil sa reklamo ni Narissa Capatoy, 30-anyos.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Rodel Abutin ng Noveleta Police, dakong alas-9:30 noong Huwebes ng gabi, nagtungo ang suspek at dalawang pahinante nito na sina Michael Idjao at John Santy sa Noveleta MPS at ini-report na umano’y hinoldap sila ng isang motorcycle riders at tinangay ang P133,000 cash na koleksyon nila dakong alas-4:30 ng hapon sa Centennial Road, Brgy. San Antonio 2, Noveleta, Cavite.

Ngunit habang isinasagawa ang imbestigasyon sa tatlo, napuna ng imbestigador na paiba-iba ang sinasabi ng mga ito kaya kinausap nang paisa-isa hanggang sa ikanta ng dalawa na plinano lahat ni Lim ang “holdap me” at ang nawawalang P133,000 cash ay naubos nito sa online sabong.

Nahaharap ang suspek na si Lim sa kasong qualified theft. (SIGFRED ADSUARA)

 

235

Related posts

Leave a Comment