SAAN KA PATUNGO, PILIPINAS? – SOTTO

“QUO Vadis Philippines?”

Ito ang tanong ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nangangahulugan ng mga katagang ‘Saan ka patungo, Pilipinas?’ sa gitna ng isyu sa iregular na pagbabakunang kinasasangkutan ng ilang healthworker.

Sinabi ni Sotto na hindi lamang sa Makati City kundi maging sa iba pang lugar sa bansa ay nangyayari ang tila panloloko sa pagbibigay ng bakuna sa mamamayan.

Dahil dito, iginiit ni Sotto sa Inter-Agency Task Force na busisiin at agad patawan ng parusa ang health workers na mapatutunayang sangkot sa misadministration ng bakuna.

“There are similar complaints from others in other LGUs. The IATF should investigate and exercise sanctions,” pahayag ni Sotto. (DANG SAMSON-GARCIA)

185

Related posts

Leave a Comment