UNIFORM POLICY SA RETURNING PINOY ISINAPINAL

PINAL na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa health protocol na may kinalaman sa mga returning Filipino.

Ito’y sa kabila ng apela ni Cebu Governor Gwen Garcia, na nais ang ibang protocol para sa kanyang probinsiya.

“I think the President has made a final decision that a uniform policy for the Philippines must be followed due to common threat posed by the Delta variant,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa ilalim ng umiiral na national protocol, ang mga returning Filipino ay ite-test para sa posibleng COVID-19 infection sa ikapitong araw ng 10-day facility-based quarantine.

Samantala, sinabi ni Garcia na nais niya na ang mga returning Filipino ay ma-test na agad sa pagdating pa lamang ng bansa sabay sabing ang protocol ay gumana para mapigilan ang COVID-19 transmission kahit pa sa kasagsagan ng surge sa kaso noong Pebrero at Marso. (CHRISTIAN DALE)

190

Related posts

Leave a Comment