OPERASYON TULUY-TULOY SA NASUNOG NA BOC

customs4

(NINA KIKO CUETO, DAHLIA SACAPANO/PHOTO BY JACOB REYES)

TINIYAK ng pamunuan ng Bureau of Customs na maghihigpit sila at titiyaking secured ang loob ng nasunog na ahensiya, Sabado ng umaga.

Sa pahayag, sinabi ng BOC-Port of Manila na hindi sila magpapapasok ng kahit sinong BOC personnel, officers at opisyal sa nasunog na bahagi ng gusali.

Selyado na ang lahat ng pinto, entrance o exit para sa seguridad, ayon sa fire at investigation officers.

Biyernes ng alas-9:00 ng gabi ay nasunog ang ikatlong bahagi ng BOC at bandang alas-4 na ng umaga tuluyang naapula ang apoy.

Dahil sa sunog ay pansamantalang ililipat ang operasyon sa gymnasium ng BOC sa South Harbor, Manila.

Sinabi ni International Container Terminal District Collector at BOC spokesperson Erastus Austria na ang operations ng Port of Manila na Formal Entry Division ay sa BOC Gymnasium gagawin.

Ang pansamantalang paglilipat ay para matiyak na hindi maantala ang serbisyo ng Port of Manila.

Kakausapin din ng Port of Manila ang mga katabing government offices, lalo na ang Philippine Ports Authority at Maritime Industry Authority, para magamit ang kanilang pasilidad para matuloy ang operasyon.

Dalawa rin ang sugatan sa sunog na kinilalang sina Ning Hardman 40, and Arnold Malit, 39.

Hindi pa matukoy hanggang sa ngayon ang pinagsimulan ng sunog, at nagsasagawa na sila ng imbestigasyon ngayon dito.

 

 

 

140

Related posts

Leave a Comment