Para makapasok sa Pinas VACCINATION CARDS DAPAT IPRISINTA – BI

NILINAW ng Bureau of Immigration (BI) na ang fully vaccinated passengers ay dapat ipresenta ang kanilang documentary proof sa kanilang pagdating sa Pilipinas.

Sa kanyang advisory, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang fully vaccinated sa Pilipinas ay dapat dala ang kanilang vaccination card, na dapat ay naberipika bago ang kanilang departure mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng Certificate of Vaccination Record Portal ng Department of Information and Communications Technology o ng City Health Officer ng local government unit na siyang nangasiwa sa full vaccination.

“For those vaccinated outside the Philippines, they may present their International Certificate of Vaccination, or have their documents validated through the Philippine Overseas Labor Office (POLO), as the case may be,” dagdag niya.

Ang mga nabakunahan sa labas ng bansa ay dapat na dumating mula sa listahan ng 57 “green” countries para sumailalim lamang sa 7-day facility-based quarantine.

Ang mga bansa ay kinabibilangan ng Albania, American Samoa, Anguilla, Antigua and Barbuda, Australia, Benin, Belize, British Virgin Islands, Brunei, Burkina Faso, Burundi, Cayman Islands, Chad, China, Ivory Coast, Eswatini, Falkland Islands, French Polynesia, Gambia, Ghana, Greenland, Grenada, Hong Kong, Iceland, Isle of Man, Israel, Laos, Liberia, Malawi, Malta, Marshall Islands, Mauritius, Micronesia, Montserrat, Morocco, Mozambique, New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, Northern Mariana Islands, Palau, Rwanda, Saba, Saint Barthelemy, Saint Kitts and Nevis, Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Senegal, Singapore, Saint Eustatius, South Korea, Taiwan, Togo, Turks and Caicos Islands (UK), Vietnam, at Zimbabwe.

Nilinaw rin ng BI na ang validated vaccination cards ay dapat na ipresenta pagdating ng pasahero.

Sinabi pa ni Morente, ang mga pasaherong fully vaccinated abroad na nanatili ‘exclusively’ sa alinman sa 57 bansa sa nakaraang 14-araw mula sa kanilang pagdating, ay dapat na sumailalim sa seven-day facility-based quarantine.

Dahil dito, kailangan lamang nilang magpresenta ng 7-day booking sa government-accredited quarantine hotel or facility sa isasagawang primary immigration inspection sa kanilang pagdating sa Pilipinas. (JOEL O. AMONGO)

198

Related posts

Leave a Comment