ZAMBALES NIYANIG NG 5.2 NA LINDOL

zambales

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG 5.2 magnitude  quake ang tumama, Sabado ng  tanghali, sa Zambales na tectonic ang pinagmulan.

Sa report ng  Philippine Institute of Volcanology and Seisnology (Phivolcs), alas- 12:14 ng tanghali nang maitala ang lindol na may lalim na 23kms, ang sentro ng lindol ay naramdaman sa  San Antonio, Zambales.

Ang magnitude 5.2 ay maihahalintulad sa pagdaan ng truck na maaari umanong magdulot ng pagkahilo at pagsusuka.

Sa rekord ng Phivolcs ay nakapagtala bg Intensity 2 sa Guagua, Pampanga habang Intensity 1 naman ang narandaman sa  Malolos, Bulacan at Dagupan, Pangasinan.

Sinabi ng  Phivolcs tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang naitalang pinsala at wala ding inaasahang aftershocks.

132

Related posts

Leave a Comment