Pacquiao hinahanapan ng Palasyo ng ebidensya ‘WAG PURO LAWAY

HINAHANAP ng Malakanyang ang pruweba mula kay Senador Manny Pacquiao sa alegasyon nito na bukod sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay malaganap din ang korapsyon sa Department of Energy (DOE) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Para kay Presidential spokesperson Harry Roque, puro laway lang ang alegasyon ni Pacquiao laban sa mga nasabing ahensiya ng pamahalaan.

Inamin ni Sec. Roque na nagtataka siya kung ano ang mga dokumento na nasa lamesa ni Pacquiao.

Sa ulat, inisa-isa ni Pacquiao ag detalye ng mga sinasabi niyang katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno.

Sa kaniyang press conference bago siya lumipad patungong Estados Unidos, ibinunyag ni Pacquiao ang nawawalang 10 bilyong piso para sa Social Amelioration program ngayong pandemya sa ilalim ng pangangasiwa ng DSWD.

Ngunit, para sa Malakanyang, maituturing lang na ‘watusi’ ang alegasyon ng senador. (CHRISTIAN DALE)

184

Related posts

Leave a Comment