PAKIKIRAMAY SA PAMILYA NG MGA NASAWI SA C-130 PLANE CRASH

NAGPAABOT ng pakikiramay si Deputy Speaker Congressman Mujiv Hataman sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa pagbagsak ng C-130 cargo plane na ikinamatay ng mahigit 50 sundalo kasama ang ilang sibilyan sa Patikul, Sulu.

Labis na kalungkutan at panghihinayang ni Hataman sa sinapit ng mga sundalo na ibiniyahe patungo sa kanilang destinasyon sa nasabing lalawigan matapos sumailalim sa training.

Binanggit ni Cong. Hataman na ang mga naturang sundalo pupunta sana ng Sulu upang sumama at makibahagi sa laban kontra terorismo, ngunit sa kasamaang palad ay nasawi sa isang aksidente.

“Again, we condole with the families of the victims and we pay our deepest respects to our fallen soldiers,” pagtatapos ng mambabatas. (CESAR BARQUILLA)

179

Related posts

Leave a Comment