TALO ANG MGA DUMAGAT SA DENR – BLUE STAR MOA

MATAGAL nang nanini-rahan ang mga Dumagat sa Lungsod ng Antipolo hanggang bayan ng Baras sa Rizal dahil pag-aari nila ang lupaing kanilang tinitirahan.

Ang tawag natin sa lupain ng mga katutubo tulad sa ­Dumagat ay “ancestral domain”.

Huwag tayong magtaka kung igigiit at ipaglalaban ng mga Dumagat ang pamayanang tinitirahan nila sa napakahabang panahon, sapagkat ancestral domain nila ito.

Ngunit, tila nawalan ng karapatan at kapangyarihan ang pangkat ng Dumagat sa kanilang lupain.

Noong si Regina “Gina” Lopez pa ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), biglang napunta sa Blue Star Construction and Development Corporation ang 2,700-­ektaryang lupain dahil sa “Memorandum of Agreement” (MOA) ng dalawa.

Sa bisa ng MOA, naging ‘tagapangalaga’ ang Blue Star ng ekta-ektaryang lupain ng mga Dumagat.

Pokaragat na ‘yan!

Si Secretary Roy Cimatu na ang kalihim ng DENR mula nang tanggalin si Lopez ni ­Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit, nakarating sa BADILLA Ngayon na pinaninindigan ng pamunuan ng Blue Star ang kanilang karapatan at kapangyarihan sa napakalawak na lupain alinsunod sa bisa ng MOA.

Ang labis na nakadidismaya sa desisyon at aksyon laban sa mga Dumagat ay padahan-dahang winawalis sila ng Blue Star patungo malapit sa Nakar, Quezon.

Pokaragat na ‘yan!

Ano ang eksaktong kahulugan nito?!

Kung pagbabatayan ang kinahinatnan ng mga Dumagat mula nang magkaroon ng MOA sa pagitan ng DENR at Blue Star, “talo” ang mga Dumagat.

Ito’y dahil ang nagpapasya sa 2,700 ay ang pamunuan ng Blue Star Construction and Development Corporation na kinabibilangan umano nina Ben Dumaliang, Lilia Dumaliang, Annie Adeline Dumaliang, Billie Crystal Dumaliang at Sonia Oliveros.

Nakakaawa nang husto ang buhay ng mga Dumagat dahil sa unti-unting pagkilos ng pamunuan ng Blue Star laban sa nasabing grupo ng mga katutubo.

Ang masama ay ginagamit pa ang yunit ng Philippine National Police (PNP) sa Rizal.

Dapat sana, kumilos noon pa man ang hepe ng PNP sa Rizal ay si Colonel Joseph Arguelles laban sa maling ginagawa sa mga Dumagat gamit ang yunit ng PNP sa Rizal.

Ngunit, hindi naganap dahil, ayon sa ilang taong sumusubay-bay sa sinapit ng mga Dumagat mula sa Blue Star, mga pulis daw ang armadong kinasangkapan ng nasabing korporasyon.

Umaasa ang BADILLA Ngayon, lalo na ang mga ­Dumagat, na magpapasya at kikilos ang hepe ng PNP na si General Guillermo Lorenzo Eleazar upang mabilis na kumilos si Colonel Arguelles pabor sa mga Dumagat.

Kahit hindi natin nakikita oras-oras at araw-araw ang aktuwal na kalagayan ng mga Dumagat, 100 porsiyento ang aking paniniwala na kawawa ang mga Dumagat mula sa pang-aaping sinapit nila mula sa Blue Star dulot ng MOA nito sa DENR.

Matigil sana ito upang matapos na ang ganyang krimeng ginagawa nila sa kapwa natin.

Hindi ba’t kapwa natin sila Filipino kahit kabilang sila sa katutubong Dumagat?

oOo

CP: 09985650271 / Viber #: 09457016911

150

Related posts

Leave a Comment