DRAMA LANG!!!

POSIBLE kayang palabas lang nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) at Senador Manny Pacquiao ang diumano’y hidwaan sa pagitan nilang dalawa?

Kung inyong matatandaan noong inuudyukan para tumakbo noon bilang pangulo ng bansa si PRRD ay palagi niyang sinasabi na hindi siya kakandidato, pero noong last hour, o huling sandali, ay bigla niyang tinanggap ang hamon para tumakbo bilang pangulo ng bansa.

‘Yang kanyang patutsada kay Senador Pacman ay hindi kaya drama na naman para sa kanyang pagtakbo bilang vice president sa 2022 national at local elections?

At huwag na rin po kayong magulat mga ka-SAKSI kung biglang Pacquiao-Duterte sa darating na halalan dahil magkapartido naman silang dalawa, ‘di ba?

Madali namang gawan ng paraan ‘yang kunyaring hidwaan nina Digong at Pacquiao, ‘di ba?

Pupuwede namang kunyari eh namagitan ang isang ­miyembro ng kanilang partido at pag-ayusin sina Duterte at Pacquiao at doon mabubuo ang PDP Pacquiao-Duterte tandem.

At kung sakali mang totoo na ‘yung hidwaan ng mga ­kababayan kong mga taga-Mindanao ay baka nga magkatotoo ‘yung pinapalutang na Duterte-Duterte tandem sa 2022!

Malinaw naman sa naging pahayag ni Pangulong Digong na kinukonsidera niya ang pagkandidato bilang ­ikalawang pangulo sa ­darating na 2022.

Ito’y makaraang pumutok ang pahayag ni ­Pacquiao na mas tatlong ulit na korap diumano ang Duterte ­administration kaysa ­nakaraang administrasyon.

Naalala n’yo ba ang nangyari kay Vice President Jejomar Binay?

Sa sobrang bango para maging pangulo ng bansa noon, sinira ng mga ­ambisyosong ­pulitiko na pareho namang bumagsak sa kangkungan.

Kaya nga po hindi na ako magtataka kung dumarami ang mga nadidismaya at hindi na naniniwala sa mga binibitiwang pahayag ni Pangulong Digong.

Ito’y marahil dahil na rin sa magkasalungat na pahayag ng mag-amang Mayor Sara at Pangulong Digong.

Sabi ni Mayor Sara na ayaw ng kanyang mga magulang na tumakbo siya bilang presidente at si ­Pangulong Digong naman ang nagsabing ayaw daw talaga ni Sara na tumakbo ng pangulo sa 2022, hay naku sila mismo ay hindi magkatono sa kanilang mga pahayag.

Kaya nga po, ‘di ba parang uulitin lang nila ang drama nila para sa 2022 national at local elections?

Kayo na po ang humusga mga ka-SAKSI!!

130

Related posts

Leave a Comment