NAGWAKAS ang matagal nang pagtatago sa batas sa isang suspek sa attempted homicide nang madakip nitong Biyernes ng umaga sa Las Piñas City.
Dakong alas-9:40 umaga nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City Police, sa pangunguna ni P/Lt. Jay Joseph De Guzman, ang suspek na si Allan Bongabal, construction worker, sa Brgy. Talon 2 ng nabanggit na lungsod.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong attempted homicide na ipinalabas ni Hon. Judge Jean Desuasido Gil ng Metropolitan Trial Court Branch 79, Las Piñas City. Inirekomenda ng korte sa suspek na maglagak ng P40,000 piyansa para sa pansamantala nitong paglaya.
Pansamantalang nakadetine ang suspek sa Station Custodial Facility sa Las Piñas City. (DAVE MEDIA)
135 