MISIS MAY KA-CHAT, MISTER NAGBIGTI

LAGUNA – Nagbigti ang isang 32-anyos na government employee dahil sa matinding selos makaraang mabatid na nakikipag-chat sa ibang lalaki ang kanyang misis sa bayan ng Pagsanjan sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Wilson Frondozo, residente ng Barangay Lambac.

Batay sa report ng Pagsanjan Police, nadiskubre ng misis na si Janeth Frondozo, 29, ang biktima habang nakabigti sa bahay ng kanyang kapatid na katabi lamang ng kanilang bahay.

Napag-alaman na noong nakaraang dalawang araw ay nag-away ang mag-asawa matapos matuklasan ng mister na may ka-chat sa messenger na ibang lalaki ang kanyang misis.

Hindi naman akalain ng misis na ang tampo ng asawa ay magiging dahilan ng pagpapakamatay nito. (NILOU DEL CARMEN)

204

Related posts

Leave a Comment