INA, SANGGOL DUROG SA PICK-UP TRUCK

PATAY ang isang ginang at ang kanyang isang taong gulang na sanggol nang mabundol ng isang pick-up truck sa bayan ng Leon, lalawigan ng Iloilo noong Linggo.

Ayon sa ulat ng Leon Municipal Police Station, naglalakad ang ginang sa gilid ng kalsada habang itinutulak ang stroller na sinasakyang ng kanyang anak nang bigla silang mabundol ng rumaragasang pick-up.

Idineklarang dead on arrival ang 25-anyos na ginang na si Emilyn Cañonero habang nalagutan ng hininga ang sanggol habang nilalapatan ng lunas.

Arestado naman ang 19-anyos na lalaking driver ng pick-up truck na nagtangkang tumakas ngunit pagdating sa tulay sa Barangay Anonang, Leon ay sumalpok sa railing nito at muntik nang mahulog sa ilog.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na lasing ang suspek nang mangyari ang insidente. (JESSE KABEL)

189

Related posts

Leave a Comment