INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang community quarantine classifications para sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa mga natitirang araw sa buwan ng Hulyo.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay ang National Capital Region, Baguio City at probinsya ng Apayao, City of Santiago, probinsya ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino, probinsya ng Bulacan, ang mga probinsya ng Cavite, Rizal, Quezon, at Batangas, ang Puerto Princesa, ang mga probinsya ng Guimaras at Negros Occidental, ang probinsya ng Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga, Zamboanga del Norte, ang Davao Oriental, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato; sa CARAGA naman aniya ay ang Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Sur; at sa BARMM ang Cotabato City.
Sa ilalim naman ng GCQ “with heightened restrictions” ay ang probinsya ng Cagayan, Laguna, at Lucena City, Naga City, ang Aklan, Bacolod City at Antique, kasama ang probinsiya ng Capiz hanggang Hulyo 22; Negros Oriental, Zamboanga del Sur at Davao City.
Iiral naman ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa probinsya ng Bataan sa Region 3; sa Region 6 ay ang Iloilo City at ang Iloilo province pero ito aniya ay hanggang Hulyo 22 lamang.
“Kung hindi po mag-improve ang ating mga numero ay posible po na mabago muli ang classification ng Iloilo City at Iloilo; sa Region 10, Cagayan de Oro City; sa Region 11, Davao Occidental, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte; at sa CARAGA ay ang Butuan City,” pahayag ni Sec. Roque.
Sinabi ni Sec. Roque na ang lahat ng mga probinsya na hindi niya binanggit ay nasa ilalim ng MGCQ. (CHRISTIAN DALE)
