PIMENTEL SINISI NI DUTERTE SA PAGTALAGA KAY PACQUIAO SA PDP LABAN

SINIGURO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nananatili ang pagkakaisa sa mayorya ng mga miyembro ng PDP-Laban.

Sa talumpati ng pangulo sa National Assembly ng Ruling Party sa Clark, sinabi nito na kung anoman ang nangyayaring hindi pagkakaunawaan sa PDP- Laban ay walang ibang dapat sisihin kundi si Executive vice chairman Koko Pimentel.

Kinastigo ng pangulo ang naging bahagi ng pagpapalakad ng batang Pimentel sa ruling party at isa na rito ang pagtatalaga kay Senador Manny Pacquiao bilang acting president.

Aniya, hindi niya mapagtanto at hindi niya alam kung ano ang naisip ni Koko Pimentel kung bakit ginawa ang nasabing hakbang.

Giit ng pangulo, walang umiiral na batas na nagsasabing may acting president sa Partido at ang pagkakamali aniya rito ay na kay Pimentel at hindi kay Pacquiao.

Kaya ang mensahe pa ng pangulo ay huwag sanang mabulag ang mga miyembro ng Partido dahil lamang sa ambisyon. (CHRISTIAN DALE)

153

Related posts

Leave a Comment