CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 24-anyos na rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang konkretong poste sa sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Bonifacio Atis, stay-in na trabahador sa Mon Petit Farm Inc. sa Brgy. Buck Estate, Alfonso.
Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Dante Baje ng Alfonso Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo ngunit habang binabagtas ang kalsada sa kahabaan na sakop ng Brgy. Bilog ng naturang bayan dakong alas-9:00 ng gabi nang mawalan ng kontrol sa kanyang manibela at dumiretso sa isang konkretong poste.
Dahil sa malakas na pagkakabangga, agad na namatay ang biktima. (SIGFRED ADSUARA)
189 