IRAN DINUROG NG USA

IBINALING ng Team USA ang frustration sa Iran, 120-66 kahapon. Kasunod ito ng nakadidismayang 83-76 pagkatalo sa kamay ng France noong Linggo sa Tokyo Games.

Umiskor si Jayson Tatum ng 14 points, kung saan pinag-init niya sa fourth-quarter ang opensa at pinaabot sa 50 puntos ang abante ng NBA-laden team.

Sa huling apat na minuto ay kumayod si Tatum ng 10 points tungo sa 108-57 count.

Top scorer si Damian Lillard, 21 points, kabilang ang anim na 3-pointer sa first-half, at 16 points naman mula kay Devin Booker.

Kinakailangan ng Team USA na maipanalo ang nalalabing laro upang manatili sa medal contention.

Agad ipinatikim ng Americans ang lakas nang umabante, 28-12 sa first quarter at palobohin ito sa 33 puntos sa halftime. Ginawang 55 points ang abante bago matapos ang fourth period.

“I think we came out with a lot more urgency,” wika ni Lillard. “Our energy was higher. We played at a faster pace. We were more aggressive, and we played like ourselves.”

Inaasahang maipagpapatuloy ng Team USA ang momentum sa final group stage game ­kontra Czech Republic sa Sabado. Tinalo ng Czech Republic ang Iran, 84-78. (VT ROMANO)

155

Related posts

Leave a Comment