DAILY JAB AVERAGE PUMALO NA SA 500K

PUMALO na sa mahigit 500,000 ang daily average ng administered COVID-19 vaccine na naitala ng pamahalaan nuong isang linggo.

Sa pag-uulat ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi nito na nakapagtala sila ng daily average na 523, 018 dose.

Lumalabas din aniya na nasa higit 3 milyon ang nabakunahan noon lamang isang linggo o sa nakaraang pitong araw na umabot sa 3,661,123 jabs.

Sinabi pa niya na nasa 9.1 milyong mga Filipino na ang fully vaccinated na siya aniyang 12.87 percent ng targeted eligible population na dapat makatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

“To date, Philippines fully vaccinated 9,115,963 Filipinos which is 12.87% of targeted eligible population and 8.21% of Philippines’ total population,” anito.

Sa kabilang dako, ang pagbabakuna sa mga senior citizen, isa sa mga “most vulnerable group” para sa COVID-19, ay nananatiling malaking hamon sa kanila dahil sa patuloy na pag-aalinlangan ng mga ito na mabakunahan sa kabila ng mataas na bilang ng available vaccines sa bansa.

Base aniya sa government data, 2,616,273 senior citizens na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

113

Related posts

Leave a Comment