MGA PESTE SA AGRIKULTURA, ‘DI NAKALUSOT

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang lagayan na naglalaman ng labing-apat na piraso ng buhay na beetles at larva.
Nadiskubre ang mga peste sa agrikultura sa plastic tubes na itinago sa   pac­kages ng snacks, biscuits, noodles at chocolates noong Hulyo 29
nang dumating ito sa Central Mail Exchange Center (CMEC).
Ang beetles ay kilalang insektong kumakain ng mga halaman.
Kilala rin ito bilang garden pests na sumisira sa mga pananim.
Ang larvae nito ay kumakain ng plant roots na tumitigbak sa paglago ng halaman.
Nadiskubre ang mga peste nang magsagawa ng pagsisiyasat ang BOC-NAIA sa pinaglalagyan nito.
Dahil sa kakulangan ng mga dokumento, kabilang ang kaukulang permit mula sa Bureau of Plant Industry (BPI), kinumpiska ang mga nasabing insekto dahil ang pagpapadala ng mga ito ay paglabag sa sa Seksiyon 117 ng Republic Act 10861 na may kaugnayan sa Seksiyon 1113 (f) ng parehong batas na mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Nilabag din ang Presidential Decree No. 1433 o ang Plant Quarantine Law of 1978.
Nakasaad sa Seksiyon 4 ng PD 1433 na mahigpit na ipinagbabawal ang importasyon ng potential animal pest na nakasisira rin ng mga pananim.
Saklaw din ito ng mga alintuntunin sa kuwarantina, kaya kailangan ng Plant Quarantine Clearance and Phytosanitary Certificate mula sa BPI.
Ayon sa Seksyon 8 ng Customs Administrative Order No. 10-2020, lahat ng mga nasabat na kalakal ay kailangang kagyat na ipasa sa BPI para sa kuwarantinba ng mga ito at agarang pagtatapon para mapigilan ang posibleng pagkalat nito at huwag na itong makapaminsala sa mga pananim.
Idiniin naman ng BOC sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na poprotektahan ng ahensiya ang industriya ng anomang produktong  agrikultural.  (Joel O. Amongo)
252

Related posts

Leave a Comment