DALAWA ang namatay sa Valenzuela City habang dalawa rin ang binawian ng buhay sa Navotas City at isa sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Agosto 6.
Bunsod nito, umakyat na sa 572 ang COVID death toll sa Valenzuela, habang umakyat sa 845 ang active cases matapos na 146 ang nagpositibo sa virus at 92 ang gumaling.
Sumampa na sa 22,538 ang mga tinamaan ng COVID sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 21,121 na ang gumaling.
Pumanhik naman sa 387 ang COVID casualties ng Navotas City habang lumobo sa 592 ang active cases matapos na 77 ang nahawaan at 29 lamang ang nakarekober.
Umabot na sa 11,917 ang total cases sa fishing capital, kung saang 10,938 na ang gumaling.
Ayon naman sa Malabon City Health Department, 476 na ang COVID death toll ng lungsod. Habang 105 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 14,650 ang positive cases sa lungsod. Sa nasabing bilang ay 665 ang active cases.
Umabot naman sa 72 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay nasa 13,509 ang recovered patients ng siyudad.
Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangay San Agustin dahil isa sa kanila ang muling nagkaroon ng COVID-19. Mula 473 ay magiging 472 na lamang ang mga gumaling sa Barangay San Agustin.
Wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Caloocan City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)
145 