DROGA WALANG LUSOT SA BOC-NAIA

KUNG ang kakayahan lang sa pagsala ng mga pumapasok na epektos ang pag-uusapan, bilib ang Philippine Drug Enforcement Agency sa mga kawani ng Bureau of Customs na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa isang pahayag, kini­lala ni PDEA-NCR Regional Director Christian Frivaldo ang sigasig ng BOC-NAIA at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG)sa pagsugpo sa pagpasok ng droga sa pangunahing paliparan sa bansa.

“I greatly commend each and every one of you for
doing a job well done… The best accomplishment under your leadership, BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan, and other agencies operating in NAIA, is the cooperation. Knowing so, I

look forward to being part of the government service with you,” ani Frivaldo na nakibahagi sa ginanap na inter-agency meeting kama­kailan.

Bukod kay Frivaldo, dumalo rin sa nasabing pulong sina BOC-NAIA District Collector Talusan, MIAA-Airport Police Captain Levi Jose, NAIA-IADITG Deputy Commander Gerald Javier at PNP
AVSE Representative PSSG Amante Cabuloy.

Ani naman ni Talusan, tinupad lamang nila ang tagubilin ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, partikular sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga pumapasok na ipinagbabawal na gamot.

Sa nasabing pulong napagkasunduan din ng mga dumalo ang mas maigting na koordinasyon at pakiki­pagpalitan ng mga imporma­syon upang mas madaling matukoy at mapigilan ang pagpasok ng mga papara­ting na iligal na kargamento tulad ng droga.

Una nang nakipagkasundo ang BOC-NAIA sa People’s Aircargo and Warehousing Co., Inc. (PAIRCARGO), para sa pagtataguyod ng isang coordination center sa pagitan ng nasabing kawanihan at

PDEA sa mga storage facilities na nasa ilalim ng PAIRCARGO.

Pakay ng nasabing ka-sunduan na mabilis na ma-tunton ang mga kargamentong naglalaman ng mga droga sa mga storage facilities ng PAIRCARGO. Bukod sa droga, nangako rin ang PAIRCARGO na sila’y makikipagtulungan sa inspeksyon gamit ang mga K9 units, package profiling, backtracking investigation, pagkumpiska ng mga tukoy na epektos at maging sa pagsabat ng mga paparating pa lamang na kargamento.

Ito rin anila ang dahilan sa likod ng matagumpay na operasyon ng BOC at PDEA kontra droga sa nasabing paliparan.

191

Related posts

Leave a Comment