TAKEOVER NG NATIONAL GOVERNMENT SA PAMAMAHAGI AYUDA, DI MAKATUTULONG

NAGBABALA si Senador Ralph Recto na hindi makakatulong sa taumbayan kung ite-take over ng mga national government agencies ang pamamahagi ng ayuda.

Sinabi ni Recto na ang mga lokal na pamahalaan ang nakakaalam kung paano mas mapapadali ang pamamahagi ng cash aid sa kani-kanilang nasasakupan.

“The best is still a bayanihan between the local and national governments,” saad ni Recto.

Hindi anya makatwiran na gawing national government activity ang isang bagay na kinakailangan ng local government participation.

“Yung big cities and provinces have division size personnel. Tapos papalitan mo ng isang platoon of clueless people who don’t know the terrain,” diin ni Recto.

“Mas kabisado ng city hall people ang mga kasuluk-sulukan ng kanilang lugar, pati mga eskinita saulado, kaysa naman doon sa mga central office bureaucrats,” dagdag ng senador.

Nagbabala pa ang mambabatas na magiging malaking disaster kung ang ayuda na inaasahan ng taumbayan sa panahon ng lockdown ay made-delay. (DANG SAMSON-GARCIA)

146

Related posts

Leave a Comment