Kapag hindi pa binayaran ang mga ospital IMEE SA PHILHEALTH: MANANAGOT KAYO SA SENADO!

BINALAAN ni Senador Imee Marcos ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na papanagutin nila ito kung hindi pa babayaran ang utang sa mga pagamutan.

Sinabi ni Marcos na nasa malubhang kalagayan ngayon ang mga ospital dahil hindi sila nababayaran ng Philhealth sa takdang oras.

“Malubha ang kalagayan ng mga ospital- dahil di sila nababayaran ng mahabang panahon sa Non-COVID claims, kulang-kulang na 60% sa COVID claims at hindi pa kasama dyan ang utang sa Visayas at Mindanao hospitals kung saan grabe ang infection rates,” diin ni Marcos.

Idinagdag pa ng senadora na matindi rin ang kakulangan sa pag-hire ng additional nurses, oxygen supplies, at Personal Protective Equipment.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na palagian na lamang sinasabi ng Philhealth na may pera ang gobyerno gayundin sa koleksyon at buo pa ang kanilang reserve fund na P220 bilyon pero hindi makabayad ng utang.

“Eh bakit di bayaran?! Pag hindi pa nila sinagot ang utang nila sa ospital, mananagot na sila sa Senado!” diin ni Marcos. (DANG SAMSON-GARCIA)

131

Related posts

Leave a Comment