Kamara nanawagan DUQUE, RESIGN NA!

LUMALAKAS ang panawagan ng mga mambabatas sa agarang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque bunsod ng pinakahuling audit report na nagpapatunay ng kapalpakan ng Department of Health sa kanyang pamumuno.

Maging ang kaalyado ng Pangulong Duterte, masigasig na ding isinusulong ang pagbibitiw ni Duque.

Ayon kay Deputy Speaker Bienvenido Abante, wala na aniyang pwede pang idahilan ang Kalihim matapos ibuko ng Commission on Audit (COA) ang P67.3 bilyong alingasngas sa pondo ng nasabing kagawaran.

Marapat din aniyang magkusang loob nang bumaba sa pwesto si Duque upang maiiwas ang pangulo sa isa na namang malaking kahihiyan.

“It may serve the greater good for Sec. Duque to step down so Malacañang does not have to repeatedly defend him and can instead focus on addressing the pandemic,” ani Abante.

Ayon sa mambabatas, nadadamay si Duterte sa kapalpakan ng DOH sa paggastos sa pondo na inilaan para labanan ang pandemya at habang nakakapit sa kanyang puwesto ang Kalihim ay hindi mareresolba ang problema.

Hindi na mabilang kung ilang ulit nang sumablay si Duque, at paulit-ulit na ding sinasalag ng Pangulo. Bagamat unawa ng kongresista ang posisyon ng Pangulo, higit na nakaka-alarma ang lumabas na audit report.

“Leaders in government should be held accountable for their actions today – not what they did years ago – especially when it comes to dealing with the COVID-19 pandemic, as one’s capacity to do the job could impact the lives of millions,” ayon pa sa solon.

Marami na aniyang indikasyon na hindi si Duque ang tamang tao na mamuno sa DOH kaya nararapat na itong magresign, sa ayaw at sa gusto ng Pangulo upang maisaayos na ang ahensya sa gitna ng panibagong paglaganap ng kaso ng COVID-19 hindi lamang sa Metro Manila kundi sa 10 pang rehiyon sa bansa.

Samantala, sinabihan naman ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang DOH na gandahan ang kanilang paliwanag dahil dismayadong-dismayado, hindi lamang ang Kongreso kundi ang mga tao sa DOH.

“The DOH owes the public a full and satisfactory explanation as to how COVID-19 funds were spent,” ayon ani Herrera lalo na’t parami ng parami na naman aniya ang kaso ng COVID-19 na dapat binubuhusan ng pondo ng ahensya.

Hindi rin matanggap ng mambabatas na maraming biniling equipment at supplies ang DOH para tugunan ang problema subalit hindi nagamit ang mga ito gayung marami ang nangangailangan ng agarang tulong mula pa noong nakaraang taon kaya nakakarebelde umano ito.

“COA findings are revolting and unacceptable as the government scrambles to look for funds amid the worst public health crisis of this generation,” aniya.
“Corruption or any irregularities have no place in our COVID-19 response and recovery”. (BERNARD TAGUINOD)

144

Related posts

Leave a Comment