PACQUIAO LIYAMADO KAY UGAS

LAS VEGAS – Nang ihayag ang sagupaang Manny Pacquiao at Errol Spence Jr., agad naging dehado ang Pambansang Kamao.

Bagay na higit nagbigay ng hamon kay Pacquiao para tumodo ng ­ensayo at talunin si Spence.

Ngunit, 10 araw bago ang pagtatapat ng dalawa ay biglang nag-backout si Spence sanhi ng eye injury.

Ipinalit kay Spence si WBA regular champion Yordenis Ugas ng Cuba.

Sa isang iglap din, ang 42-anyos Fighting Senator na ang liyamado sa sagupaang magaganap sa Sabado (Linggo sa Manila) sa T-Mobile Arena rito.

Sa opening odds kahapon sa mga sports book dito, si Pacquiao ay -360 habang +275 naman si Ugas.

Ibig sabihin, ang ­tayang $360 ay kakabig lang ng $100 kung mananalo si Pacquiao. At kakabig naman ng $275 ang pustang $100 sakaling manalo si Ugas.

Ang mahabang experience ni Pacquiao sa boksing ay isa sa mga rason kung bakit siya liyamado sa laban.

Masasaksihan din sa Sabado ng gabi, kung maibabangon ni Ugas ang pride ng Cuba, kasunod ng pagkatalo ng ­kababayang si Guillermo Rigondeaux sa kamay ni WBO ­bantamweight champion

John Riel Casimero nito lang nakaraang Sabado ng gabi sa Carson, California.

Si Casimero pa lamang ang Pinoy boxer na tumalo sa isang Cubano sa professional boxing.

Matatandaang si  Onyok Velasco ang huling tumalo sa Cuban fighter na si Yosvani Aguilera, isa ring Cubano noong 1996 Olympic Games. (VT ROMANO)
195

Related posts

Leave a Comment