OBIENA RERESBAK SA SWITZERLAND

MATAPOS mabigong mag-podium finish sa 2020 +1 Tokyo Olympics ay sa Athletissima ­Lausanne Wanda Diamond League sa Switzerland naman sasabak si Pilipino pole vaulter EJ Obiena.

Naging bangungot para sa 25-anyos na Pinoy ang kampanya niya sa katatapos lang na quadrennial Games kaya’t hangad niyang makabangon sa Wanda Diamond.

At sa kanyang Instagram post kahapon ay ipinabatid ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang kanyang paglahok sa torneo na nakatakda sa Agosto 26.

“Season is just not over yet. Back in the field next week @athletissima Laussane DL,” anang world no. 6 sa men’s pole vault.

Nagawa ni Obiena na malampasan ang 5.70m mark ngunit nabigo sa kanyang tatlong pagtatangka sa 5.80m na ­tuluyang tumapos sa kanyang Olympics journey.

Tumapos si Obiena na 11th place lang sa kauna-unahang partisipasyon niya sa kada apat na taong Palaro.

Nangako naman siyang babawi kung muling magkakaroon ng tsansang irepresentang muli ang bansa sa 2024 Paris edition. (ANN ENCARNACION)

164

Related posts

Leave a Comment