BALITANG NBA Ni VT ROMANO
WALA pang kumpirmasyon mula kay NBA superstar Damian Lillard kung mananatili siya sa poder ng Portland Trail Blazers para sa 2021-22 season.
Pero, ayon sa kakampi niyang si CJ McCollum, na siya ring bagong NBPA president, madalas silang mag-usap ni Lillard at nakahanda na umano ang player na bitbitin muli ang Blazers.
“I don’t want to speak for him, but having a close relationship, him, he and I talk every day, or every other day, from sharing memes to sending videos to each other to serious talks about our season, what it takes to win, what it’s going to take to win a championship, I have a pretty good sense of where he’s at,” lahad ni McCollum via The Oregonian. “And I think his goal is to win a championship.
Dagdag niya: “I think, at the end of the day, that’s what we all want. We want to put ourselves in the best position to win a championship. But I mean, he’s all in. I think at this stage I can say that he’s all in. He just wants to win at the end of the day.”
Nang matapos ang season na pinagwagian ng Milwaukee Bucks, nagkaroon ng mga rigodon sa mga koponan, kabilang ang Los Angeles Lakers, na kinuha ang serbisyo ni Russell Westbrook.
GIANNIS PARTE
NA NG BREWERS
NAGSISIMULA na ring mag-invest si Milwaukee Bucks superstar Giannis Antetokounmpo mula sa kanyang kinikita sa NBA, matapos niyang bumili ng maliit na ‘stake’ ng Milwaukee Brewers.
Madalas banggitin ni Antetokounmpo kung gaano kahalaga sa kanya ang Milwaukee at nais niyang manatili rito ng matagal na panahon, katunayan nito ang paglagda niya ng ‘supermax’ extension sa Bucks noong Disyembre, habang ang kapatid na si Thanasis ay lumagda naman ng two-year deal nitong nakaraang linggo.
Nag-tweet ang Milwaukee Brewers at nagpasalamat sa NBA star: “Giannis Antetokounmpo has joined the Crew! Thank you, Giannis, for your commitment to our team and Milwaukee!”
“The city of Milwaukee means so much to me,” lahad ni Antetokounmpo matapos ihayag na bahagi na siya ng Brewers ownership. “I am honored to be joining the Brewers ownership group to further my commitment and dedication to this great community. I take great pride in my city and I’m excited about what we can build together.”
Hindi rin siya makapaniwalang matutupad ang pangarap na maging isa sa may-ari ng isang koponan.
Sinabi ni Antetokounmpo, isa sa nagtulak sa kanyang bumili ng ‘stake’ nang makita niya ang kasiyahan ng fans matapos mag-champion ng Bucks sa NBA nitong Hulyo.
Iyon ang unang championship ng Bucks sapol nang unang manalo noong 1971.
149 